Sunday, November 7, 2010

Episode 9- Harapan ni Elias at ni Ibarra

Nagkita si Elias at si Ibarra sa bangka ni Elias at nagusap sila. Mukhang hindi masaya si Ibarra kaya humingi ng tawad si Elias sa pagkadistorbo niya kay Ibarra. Sinabi ni Elias na gusto niya himingi ng tulong kay Ibarra. Ang tulong na hinihingi niya ay si Ibarra maging tagapagsalita ng mga tao. Si Elias ang nagdadala ng mga mga gusto ng mga tao at gusto niyang tulungan siya ni Ibarra. Humihingi ang mga tao ng pagbabago sa gobyerno. Nang marinig ni Ibarra ang mga kahilingan ni Elias, agad na sinabi ni Ibarra na hindi niya kaya ang hinihingi ni Elias. Patuloy na nagusap ng matagal si Ibarra at si Elias tungkol sa relihiyon, gobyerno, sa mga tao, at iba pa. Sa dulo ng kabanata, nagpasya si Elias na mag kwento pa tungkol sa buhay niya kay Ibarra.

Nagsimula si Elias sa pagkwekwento tungkol sa pamilya niya. Ang una niyang isinasalaysay ay tungkol sa kanyang lolo. Kwinento niya ang trabaho ng kanyang lolo at kung ano ang nangyari at kung paano ito inabuso ng mga Kastila. Pati na rin ang asawa ng kanyang lolo ay malungkot ang kwento. Siya ay naging isang prostitute. Namatay ang kanyang lolo at tumakas ang asawa ng kanyang lolo. Patuloy na nag kwento si Elias tungkol sa kasaysayan ng kanyang pamilya. Karamihan sa kanila ay may pinagdaanan na maring paghihirap, pati na rin si Elias. Pati na rin ang kanyang kapatid ay namatay kaya ngayon ay paligoy ligoy nalang si Elias mula probinsya hanggang probinsya. Nagkaroon ng pagtatalo si Elias at si Ibarra tungkol sa kung tutulong ba sa Ibarra at magiging tagapagsalita ng mga tao, ngunit ayaw pa rin ni Ibarra. Medyo nagalit si Elias dahil ayaw pa rin ni Ibarra. Ngunit sinabi ni Ibarra na pahintayin lang muna ang mga tao. Sagot ni Elias na sa sunod na magkita silang dalawa ulit, wag na ni Ibarra papansinin si Elias at kalimutan na niyang nakilala niya si Elias. Bumalik na si Elias sa dalampasigan. Sinabi ni Elias kay kapitan Pablo na kung hindi si Elias mamamatay, tutuparin niya ang kanyang pangako.

No comments:

Post a Comment