Sunday, November 7, 2010
Episode 18- Noche Buena
May pamilya na nakatira sa isang bundok. Isa sa mga kasama ng pamilya na nakatira sa bahay ay si Basilio. Siya ay natagpuan noong pamilyang wala malay at sugat sugat may lamapas isang buwan na. Sinabi ni Basilio na dahil araw ng pasok ngayon, gusto raw niyang pumunta sa bayan para makita si Sisa at si Crispin. Hindi pumayag ang matanda ngunit nagpumilit si Basilio. Sa wakas ay pumayag rin ang matanda. Naglakad na papuntang bayan si Basilio kahit hirap pa siyang maglakad dahil sa kanyang paa. Naguusap si Don Filipo at si Kapitan Basilio at dito makikita na buhay pa si Sisa. Ngunit tuluyan ng nabaliw si Sisa. Sinabi rin na may bagong pari na at may bago na ring alferez sa bayan. Napag-usapan din nila ang pagkamatay ni Tasio. Napag-usapan din ang pagpapakasal ni Maria Clara. Nakarating na rin si Basilio sa bayan. Nagtanong tanong siya kung ano ang balita tungkol kay Cirspin at Sisa. Nalaman niya na baliw na si Sisa at gumagala gala nalang sa bayan, at walang balita ukol kay Crispin. Hinanap niya si Sisa. Natagpuan ni Basilio si Sisa ngunit hindi niya ito nilapitan. Biglang tumakbo si Sisa kaya tumakbo rin si Basilio dahil ayaw niyang mawala sa paninigin niya si Sisa. Nahabol ni Basilio si Sisa at sinigaw niya na siya ang anak ni Sisa. Patuloy na sinundan ni Basilio si Sisa kahit nakarating na sila sa gubat. Dugo dudo ang ulo ni Basilio. Sa tulong ng Panginoon namukaan ni Sisa si Basilio ngunit nawalan ng malay si Basilio. Pagkabalik ng malay niya, nakita niya na walang kabuhau buhay ang katawan ni Sisa. May isang mamang nakakita kay Basilio. Sinabi niya na mamamatay na rin siya kaya pinakuha niya si Basilio ng kahoy upang sunugin ang katawan ng mama at ni Sisa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment