Sunday, November 7, 2010

Episode 7- Sabungan at ang Dalawang Senyora

Nagsisimula ang episode sa isang sabungan. Magkakaroon ng isang intro tungkol sa sabungan at ang kaugnayan nito sa kulturang Pilipino. Pagkatapos ay papakita ng sabungan sa episode. Nagkaroon ng isang labanan sa pagitan nina Kapitan Basilio at Kapitan Tiyago. Dali dali nagpustahan ang maraming mga tao noong nalaman nilang magkakaroon ng labanan na ganito. May dalawang kapatid, si Tarsilo at Bruno, nanghinayang sila dahil hindi sila naka pusta doon sa naunang laban dahil dapat ay nanalo na sila ng P100. Pagkatapos ng mga laban, ang dalawang magkapatid ay pumunta kay Lucas at pareho sila ang tumanggap ng pera. Sinabi ni Lucas na dadating na ang mga sandata na pinadala ni Ibarra. Pagkatapos sinabi ni Lucas na kailangan noong magkapatid pumunta sa sementeryo samakalawa dahil bibigiyan sila ng mga utos.

Habang nasa sabungan si Tiyago, si Dona Victorina naman ay pumunta sa bayan. Sinabi ni dona Victorina na panget ang mga bahay ng mga Indio. Noong pauwi na sina dona victorina at dr. de espadana, nagkita sila ng Alferez at hindi ito nagustuhan ni victorina. Nadaanan din nila ang bahay ni Donya Consolacion. Makikita na naka suot ng maayos si Donya Consolocion. Dinuraan niya si dona Victorina. Nagkaroon sila ng away sa pamamagitan ng paggamit ng salita, nagtulakan rin sila. Dumating ang Alferez ngunit hindi niya napigilan ang nagaganap na kaguluhan. Nagkaroon si dona victorina at dona consolacion ng away, at anu anong mga maduduming salita ang sinabi nila. Dumating ang pari at nabalik ang kapayapaan sa gitna ng dalawa. Nakabalik na rin si kapitan Tiyago galing sa sabungan. Sa parehong gabi ang de espadanang magasawa ay pumunta kay Kapitan Tiago dala dala ang kanilang gamit at binigiyan nila si Tiago ng ilang libo upang payagan silang sumakay kasama si Tiyago papuntang Maynila.

No comments:

Post a Comment