Sunday, November 7, 2010

Episode 13- Kaguluhan

Ang mga tao ay nagdadasal sa simbahan. Ang pari naman ay papunta sa bahay ng alferez. Ang pari na iyon ay si Salvi. Nagmamadali siyang pumunta sa bahay ng alferez. Ibinabalita ni Salvi kay Alferez na ngayong gabi ay maraming buhay ang nasa panganib. Naalarma ang Alferez at tinanong niya si Salvi kung sino ang dapat niyang arestuhin. May isang babae raw na nagkumpisal kay Salvi ng plano. Ito raw ay magsisimula mamayang alas otso ng gabi. Nagsimula na maghanda ang Alferez. Habang nangyayari yun, tumakbo si Elias sa bahay ni Ibarra at tinanong kung nandoon siya. Nag-usap si Elias at si Ibarra. Sinabi ni Elias na nasa panganib din si Ibarra at sinabi umalis siya sa loob ng isang oras at pumunta sa isang masligtas na lugar. Nagtanong si Ibarra kung bakit, at sabi ni Elias dahil nagkadiskubre siya ng isang plano paninira kay Ibarra. Ngunit hindi ni Elias kilala kung sino ang ulo ng plano. Habang sinusunog at pinupunit nila ang mga papeles na baka gamitin laban kay Ibarra, may nakitang pangalan si Elias na nagngangalang Don Pedro Eibarramendia. Tinanong ni Elias kung sino ito at sinabi ni Ibarra na yun ay ang kanyang lolo. Dahil dito, nagalit si Elias kay Ibarra dahil ang taong iyon ay ang nagbigay ng masamang buhay sa lolo ni Elias. Umalis nalang si Elias.


Si kapitan Tiago, Linares at Tiya Isabel ay kumakain ng hapunan sa bahay. Si Maria Clara ay walang gana kumain at kasama niya si Sinang. Si Padre Salvi naman ay hindi mapakali na lakad ng lakad sa kwarto. Noong umabot na ang alas otso ng gabi, nagsimula na magdasal si Padre Salvi. Makalipas ang ilang sandali, dumating si Ibarra. Pagkarating niya, sa labas ay may narinig na malakas na putukan at takot na takot silang lahat sa loob ng bahay. Takot na takot si Padre Salvi bumaba galing sa kanyang tinataguan ngunit dahil sa mga sigaw ng alferez bumaba siya. Lumabas si Ibarra ng bahay at umalis. Sumisigaw ang alferez na hulihin ang mga tulisan. Dumiretso si Ibarra sa kanyang bahay. Kinuha niya ang lahat ng kanyang pera, alahas, isang larawan ni Maria Clara at nagdala siya ng isang itak at dalawang baril. Habang ginagawa niya ito, may biglang tao kumatok sa bahay niya. Inaresto siya ng mga Kastila. Pagkaalis naman ni Elias sa bahay ni Ibarra tumakbo siya na parang walang malay papunta sa gubat. Tumakbo siya ng tumakbo. Mula sa gubat, pumunta siya patungong bayan. Pumunta siya sa bahay ni Ibarra, at pinuntahan niya ang lugar kung saan nag aaral si Ibarra. Kinuha ni Ibarra ang mga papeles, pera, alahas, larawan ni Maria Clara, lahat at tumalon siya palabas ng kwarto ni Ibarra. Dumating ang mga gwardiya sibil muli at gusto nilang kunin ang mga papeles ni Ibarra at hindi nila alam na kinuha na ni Elias lahat. Nasunog ang bahay ni Ibarra.


Dumating na ang umaga sa bayan. Tahimik ang bayan at walang kabuhay buhay. Nag-uusap mula ang dalawang madre tungkol sa nangyari noong gabi sa bayan. Isa isa na ulit nagkaroon ng tao sa bayan. Makalipas ang ilang oras, maraming iba't ibang kwento ang nabuo tungkol sa ano ba ang nangyari kagabi. Marami ang namatay at nabalitaan ding nasaktan si Tiago at papunta ito Manila kasama ang kanyang pamilya. Sinabi ng isang madre na galing siyang kumbento at nakita niyang taga preso si Don Filipo at si Ibarra. Sinabi niya ay ang dahilan daw ng kaguluhan ay dahil gusto ni Ibarra gumanti at patayin lahat ng Kastila dahil kakasalin daw si Maria Clara sa isang Kastila(hindi ito ang totoong rason). Samantala may nakita naman silang isang lalaki nakabitay. Nang ibinalita ng mga tao ang taong nakabitay sa pulis, pumunta sila at inimbestigahan ang lalaki. Sinabi nung isang tao na ito raw ay si Lucas. Ngunit pinagtawanan ang taong iyon dahil tulog pa raw si Lucas. Pumunta yung tao sa simbahan at humingi ng isang misa dahil mayroon daw mamamatay. Umalis siya at ang taong ito ay si Elias.

No comments:

Post a Comment