Sunday, November 7, 2010
Episode 11- Baraha ng mga patay at mga anino
Madilim at malamig ang gabi sa Disyembre. May tatlong tao na nag-uusap. Pinag-uusapan ng tatlong tao sina Elias at Ibarra. Ang pinag-uusapan nila ay tungkol sa isang planong pagtitipon ng mga tao. May dadalhin na mga armas para sa kanila. At dahil sa dilim ng gabi, hindi nila nakikita masyado ang isa't isa at ginagamit nila ang kanilang boses upang malaman sinu sino sila. Bigla silang naglaro ng baraha. Natalo si Elias kay Lucas kaya umalis nalang siya. Habang naman naglalakad si Lucas, nakita siya ng dalawang Gwardiya at agad siyang dinukot. Ngunit, ang hinahanap ng mga gwardiya ay si Elias, kaya pinakawalan nila si Lucas. Sumunod na ilang segundo, nahuli ang dalawang gwardiya si Elias, ngunit sinabi nito na ang taong may sugat sa mukha(lucas) na yun si Elias kaya tumakbo agad ang dalawang gwardiya papahabol kay Lucas.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment