Nagsisimula ang episode na kung saan si Elias ay makikitang nasa gubat dahil hinahanap niya si Kapitan Pablo. Nagtapuan siya ni Elias at nakita na Elias ang kahina hinang lagay ng Kapitan. Nagusap sila. Unang sinabi ni Elias na gusto niyang mag turingan silang bilang mag-ama ngunit tinanggi ito ng matanda dahil sa kasamaang sinapit ng kanyang dalawang anak. Nasa isip ng kapitan ang paghihiganti dahil ang isang anak niya ay pinarusahan ng gobyerno dahil may kasalanan raw ito, ngunit napatunayang wlang kasalanan ang anak, kaso nga naparusahan na. Ang isa naman ay palaban at naghihintay nalang ng tamang panahon upang gumanti sa mga Kastila. Si Elias naman ay sinabi na hindi niya iniisip ang paghihiganti. Sinabi ni Elias sa matanda na mayroon siyang kilalang isang binatang mayaman at tutulungan noong binata sila. Siya ang magiging tagapagsalita ng mga hinaing ng bayan. Sa apat na araw ay magkikitang muli si Pablo at si Elias, at kung pumayag ang binata na tumulong sa kanila, magkakaroon sila ng panibagong pag-asa. Ngunit kung hindi, handa si Elias maghandong ng kaniyang buhay.
No comments:
Post a Comment