Sunday, November 7, 2010

Episode 15- Ikakasal na si Maria Clara

Kitang-kita ang saya sa mukha ni Kapitan Tiago dahil sa gitna ng lahat ng kaguluhan, walang nangyari sa kanya. Walang umaresto sa kanya, hindi pinarusahan, wala. Nakauwi na rin si Kapitan Tinong, ngunit hindi niya katulad ang dating sarili niya. Sinasabi ni Tiago na himala ang lahat ng nangyari dahil hindi nagulo ang kanyang buhay. Napag-usapan din nila ang kung ano na ang balita kay Ibarra. Dumating naman si Dona Victorina, at sa oras na iyon ay lumabas din si Maria Clara. Napagusapan ang pagpapakasal ni Maria Clara. Siya ay ipapakasal kay Senor Linares. Dumating na ang panahon ng kasal. Maraming tao ang nandun, katulad ni padre Sibyla, padre Salvi, dona Victorina, at marami pang iba. Puro ang pinaguusapan ng mga tao ay si Maria Clara. Marami ang hindi nagugustuhan si Maria Clara. Sa kabilang dako, napagusapan ng mga lalaki ang mga nangyari. Sinabi na ipapatapon si Ibarra. Nalaman na aalis na si padre Salvi dahil siya ay madedestino na sa Maynila. Nalaman sa korte na may pagka inosente si Ibarra at wala siya talagang kinalaman sa trahedya at na setup lamang siya kaya hindi siya hinatulang bibitayin. Si Maria Clara pala ang nagbigay ng sulat na ginamit sa kaso ni Ibarra. Ngunit biglang nanghina si Maria Clara. Noong umalis na ang lahat ng bisita sa bahay, tumingin si Maria Clara sa labas at nagulat siyang nakita ni si Ibarra. Nagusap ang dalawa. Sinabi ni Ibarra kay Maria Clara na siya ay aalis na. Napag-usapan din nila kung sino ba ang tunay na tatay ni Maria Clara, pati na rin ang balita na kakasalin na si Maria Clara. Bago umalis si Ibarra, naghalikan muna sila, at mabilis na umalis si Ibarra dahil tumatakas lamang siya.

No comments:

Post a Comment