Sunday, November 7, 2010

Episode 16- Takas!

Kausap ni Elias si Ibarra habang sila ay nasa bangka. Ang plano raw ay pupunta si Ibarra sa bahay ng kaibigan ni Elias habang kinukuha ni Elias ang pera ni Ibarra. Pagkatapos ay aalis si Ibarra ng bansa at pupuntang Espana upang matahimik na rin ang kanyang buhay. Sinabi ni Ibarra na sasama rin si Elias sa kanya sa Espana dahil ilang beses niyang sinagip ang buhay ni Ibarra. Ngunit hindi pumayag si Elias. Patuloy silang nag-usap. Habang patuloy na lumalakbay ang kanilang barko, nadaanan nila ang bahay ng Gobernador Heneral at napansin nila na parang tuwang tuwa ang mga tao doon. Pinigil ng gwardiya si Elias. Sinabi ng gwardiya kay Elias na may nakatakas na bilanggo kaya magingat daw siya. Nakalusot sila. Patuloy silang nag-usap. Ayaw talaga ni Elias sumama kay Ibarra sa pagalis sa bansa kaya nagpasya si Ibarra na hindi na niya isasama si Elias. Patuloy na naglakbay ang barko. Marami silang nadaanang gwardiya, ngunit nalusutan nila lahat dahil sa pagtatago ni Ibarra. Biglang may sumusunod na bangka sa kanila. Nalaman nilang nahuli sila kaya dali daling si Elias nag padel ng bangka. Tumalon si Elias sa tubig upang hindi sundan ng mga gwardiya si Ibarra. Si Ibarra naman ay patuloy na nagpadel ng bangka papalayo. Pagkatapos ng ilang sandali, napatay si Elias ngunit nakatakas si Ibarra.

No comments:

Post a Comment