Sunday, November 7, 2010
Episode 19- Epilogo: Ano ang nangyari sa kanila?
Pumasok na talaga sa kumbento si Maria Clara. Si Padre Damaso naman ay pumunta na sa Maynila upang manirahan doon. Sinabi ng paring probinsyal kay Damaso na siya ay madedestino sa isang malayong probinsya. Hindi nagustuhan ni Damaso ito kaya natagpuan siyang patay sa sunod na araw. Si Kapitan Tiago naman ay nalungkot ng sobra noong pumasok si Maria Clara sa kumbento. Gusto na niyang manirahan mag-isa kaya pinaalis niya si Tia Isabel. Nagsimula na rin si Tiagong malulon sa droga. Si Dona Victorina naman ay nanghihina na ang kanyang paningin. Si Linares naman ay namatay rin. Ang alferez naman ay bumalik si Espana at naging isang Teniente. Wala na narinig tungkol kay Maria Clara. Basta ang alam lang ay siya ay nasa kumbento na.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment