Sunday, November 7, 2010

Episode 12- Il Buon Di Si Conosce Da Mattina

Noong dumating na ang umaga, ang balita na maraming ilaw ang mga nakita sa sementeryo kagabi ay nalaman na ng bayan. Si Sister Sipa ay nakarinig ng mga boses mula sa sementeryo and naniniwala siyang nabobosesan niya ang ibang taong naririnig niya. Nagkaroon siya ng panaginip at nakakita siya ng maraming kaluluwa ng mga tao. Ang iba buhay, ang iba ay patay. Ang mga patay ay humingi ng mga indulhensiyo mula sa kanya. Samantala, nag-uusap si Don Filipo at si Pilosopong Tasio na may sakit. Pinag-uusapan nila ang pag bibitaw ni Don Filipo sa kanyang posisyon. Patuloy pa rin silang nag-uusap. Pagkatapos nila magusap ng matagal, tinanong ni Don Filipo kung gusto ni Tasio ng gamot. Ayaw niya. Sinabi ni Tasio na sabihin kay Ibarra na bisitahin siya bukas. Pagkatapos noon ay umalis na si Don Filipo.

No comments:

Post a Comment