Ang dating masayang pakiramdam sa bayan ay nawala na. Maraming mga gwardiya ang palakad lakad hawak hawak ang kanilang mga baril. Pati ang Alferez ay hindi mapakali. Si Dona Consolacion naman nakatingin lang sa pinto ng kulungan. Dumating si Padre Salvi. Sisimulan na ang pahirap. Ang papahirapan ay si Tarsilo at isang tao. Kinausap ng Alferez si Tarsilo at nagtanong tungkol sa kinalaman ni Ibarra sa nangyari kagabi, kaso sinabi niya na walang kinalaman si Ibarra. Dinala si Tarsila sa kung nasaan ang mga patay na tao. Tinanong siya kung mayroon siyang kilala, ngunit hindi siya sumagot kaya pinahirapan siya hanggang magsalita siya. Kahit gaano pa siyang pinarusahan, hindi talaga nagsalita si Tarsilo kaya dinala siya sa timbain. Kahit nandoon, ayaw pa rin niya magsalita. Namatay si Tarsilo. Nangmasilayan ito nung isang tao nagngangalang Andong, sinagot niya ang lahat ng tanong sa kanya ng Alferez. Hindi natuwa ang Alferez sa mga sagot nung tao kaya pinakulong ito.
Noong marinig ng mga taong nasa bayan kung ano ang ginagawa sa mga nahuhuli, lahat sila ay natakot at naghanap ng lugar kung saan mayroon silang pwedeng pagtaguan, ngunit wala silang nahanap. Si Doray ay naghihintay sa labas ng kulungan buhat buhat ang kanyang anak. Naghihintay siya kung papalayain ba si Don Filipo. Pati ang nanay ni Andong ay nagaalala sa labas ng kulungan. Nandoon din si Nor Juan na nakasuot ng itim dahil alam niyang mamamatay si Ibarra. Alas dos ay dumating ang isang trak na dala dala mga sundalo at yung mga bilanggo kasama na rito si Don Filipo at pati na rin si Ibarra. Ang taong bayan lahat ay galit kay Ibarra dahil kasalanan daw niya ang lahat ng nangyari. Nadamay lang daw ang iba dahil sa kagagawan ni Ibarra. Lahat ng mga bilanggo ay nandun ang kanilang pamilya upang ipaglaban sila at suportahan sila. Ngunit para kay Ibarra, walang nandoon. Nakita ni Tasio ang kaguluhan mula sa kanyang kama ngunit hindi siya makabangon upang tumulong. Sa sunod na araw, natagpuan siyang patay.
Nalaman na ang nangyari hanggang sa Maynila, naibalita na rin sa mga dyaryo. Iba iba ang kwento at mga pinaguusapan sa mga kumbento. Galing dito, punta tayo sa bahay ni Kapitan Tinong. Pinaguusapan nila tungkol sa kung ano ang nangyari na kaguluhan at pati na rin tungkol kay Ibarra. Napagusapan din nila ang kamatayan ni Padre Burgos. Dumating sa bahay ang kanilang pinsan na si Don Primitivo at patuloy nilang pinagusapan ang nangyari. May pagka mayabang ang pinsan na ito dahil marunong siya mag salita ng Kastila. Napagusapan din nila ang pagbibitay kay Tinong.Habang nagaganap ang lahat na iyon, biglang "namatay" si Saturnino, ngunit ito ay nagkamalay ulit. Sinunog nila ang mga sulat ni Kapitan Tiago. Pati na rin ang mga ibang libro ay sinunog rin nila. Makalipas ang ilang oras, nagkaroon ng isang pagtitipon sa Intramuros. Napagusapan ng ilang mga babae dun ang Kapitan Heneral at kung gaano silang kainis sa pagtulong nito kay Ibarra. Nilait pa nila ang mga Indio, kasama na rin sa nalait ay si Ibarra.
No comments:
Post a Comment