Thursday, October 7, 2010

Episode 1- Mga Usapan ng mga Tao

Nalaman na ng mga tao ng San Diego ang mga pangyayari kay Ibarra at Padre Damaso. Nalaman nila na may labanan si Ibarra at Padre Damaso sa isa't isa at iba ang opinyon ng mga tao sa pangyayari na iyon. Sa una ay may Ilan na hindi naniniwala na totoo ang nangyari. May ilan sa mga tao na sinabi na pinatay ni Ibarra si Padre Damaso pero hindi ito totoo. Sinabi rin nila na "just" ang nangyari kay Padre Damaso dahil parang karma ito sa lahat ng mga masamang gawain na ginawa niya sa mga tao. Hindi alam pa nila na kung sino ang may katwiran pero and alam nila ay hindi takot si Ibarra sa awtoridad.

Nagtitiwala ni Ibarra na si Don Filipo ay matutulong sa kanyang problema dahil sa lahat ng mga mabubuting ginawa ng ama ni Ibarra para sa kanya at ang mga mabubuting ginawa ni Ibarra kay Don Filipo. Pero alam ni Don Filipo na magiging mahirap ito dahil sa kapangyarihan ng mga pari at ang kanilang impluwensya sa mga tao.

Sa ibang parte ay maraming Kapitana ay natatakot na mawawala sila sa grasya ng simbahan. May isa sa mga Kapitana na si Kapitana Maria na nagsabi na gusto niya magkaroon ng mga anak na magtatangol at magbibigay ng proteksyon sa memorya ng yumaong ama. Takot din ang mga magsasaka na hindi magiging kumpleto ang pagpapatayo ng paaralan at magiging problema ito sa kanila dahil gusto nila na tapusin ang kanilang mga anak ng kolehiyo. May sinabi na ang dahilan ng hindi pagtutuloy sa pagpapatayo ng paaralan ay dahil tinawag na pilibustero ng prayle si Ibarra.

No comments:

Post a Comment