Sa tahanan ni Kapitan Tiago ay mayroon isang gulo dahil hindi pa dumating ang Kapitan- Heneral. May problema sina Kapitan Tiago, Maria Clara, Andeng, at Tiya Isabel at nag-aaway sila dahil hindi pwede makipag-usap si Maria Clara kay ibarra dahil hindi pa inlais and kanyang ekskomunikasyon.
Para hanapan na kasagutan, pumunta si Kapitan Tiago sa kumbento. Patuloy ang pag-aalaga ni Tiya Isabel kay Maria Clara sa pagsasabi na sila ay magbibigay ng malaking limos. Sinabi rin ni Tiya Isabel na magiging madali magbigay ng tawad kay Ibarra dahil nawala lamang ng kamalayan si Padre Damaso. Dahil gustong-gusto ni Maria Clara ng makipag-usap kay Ibarra, nagboluntaryo si Andeng para gumawa ng plano para makikita si Ibarra at Maria Clara.
Pagkatapos nito ay bumalik si Kapitan Tiago at sinabi niya na baka hindi na patuloy ang pagsisintahan nina Ibarra at Maria Clara. Sinabi ni Kapitan Tiago na ang bagong kasintahan ni Maria Clara ay ang kamag-anak ni Padre Damaso mula sa Europa. Dahil dito, Umiyak nanaman si Maria Clara at nagalit si Tiya Isabel kay Kapitan Tiago.
Si Kapitan Tiago at ang arpobispo ay kaibigan sa isa't isa kaya Iminungkahi ni Tiya Isabel si Kapitan Tiago na sulatan siya. Pero hindi ito tutulong kay Ibarra dahil ang arpobispo ay isang pari at ang mga kakampi niya rin ay mga pari.
Dumating na ang Kapitan-Heneral at iba pang mga tao. Tumakbo sa kanyang silid si Maria Clara dahil dito at nagdasal siya sa Birhen Maria. Sinabi ni Tiya Isabel kay Maria Clara na gusto ng Kapitan-Heneral na makausap sa kanya.
No comments:
Post a Comment