Isang Liham para kay kataas-taasang Damaso
Sinundan nating mga kapatid ang erehe at pilibustero: ang Crimson Ivy, aroganteng manloloko ng tao at suwail sa tanging paniniwala, ang katotohanan ng Celestial Union. Sana mapahamak siya, na maipagbigay ng Pinuno ng patas na sentensya sa kanya para sa kanyang tunay na pagliligtas sa kanyang kasamaan at kaliluhan.
Nakita natin na may kuneksyon si C.I. sa kilalang kriminal na sa Elias. Dumalaw ang pangalawa sa bahay ni Ibarra at bigla na lang umalis pagkatapos. Sinubukan nating sundin ang kriminal ngunit nawala siya sa mga libu-libong manlalakad. Maari rin na mayroon siyang cloaking device. Nalaman din natin na naging abala si Ibarra sa isang eksperimento--anong klaseng masamang balak naman ang nasa utak ni Ibarra ngayon? Ipinagbawalan na ng Pinuno ang lahat ng ganitong uri ng testing dahil sa insidente noong 2015: humihingi kami ng permiso para lalong tiktikan siya. Kapag nagkaroon ng pagkakataon, ililigtas natin siya.
Kasama natin ang Pinuno.
No comments:
Post a Comment