Abala si Crisostomo sa isang eksperimento nang dumalaw nang bigla si Elias. Sinabi niya kay Crisostomo na itinigil niya ang mga manggugulo sa paraan ng pakikipag-usap sa dalawang lider ng lipon na may utang na loob sa kanya, at umalis. Nang palabas na rin si Ibarra, natagpuan niya ang anak ng kanyang asesino, si Lucas, na nagdemanda lamang ng pera sa kanya, ngunit umayaw si Ibarra.
Dahil sa nangyaring kaguluhan sa fiesta, nagkaroon ng malubhang sakit si Maria Clara, at humiling ni Kapitan Tiago ang tulong ni Dr. Tiburcio Espadana, isang pekeng doktor. Kasama ni Dr. Espadana ang kanyang asawa na si Dona Victorina at ang kanyang anak na si Linares. Pinag-aralan ni Dr. Espadana ang kaso ni Maria Clara, at nakipag-usap naman sina Linares at Padre Damaso tungkol sa kanyang kasalan. Habang nangyayari ito, dumalaw naman si Lucas sa bahay ni Kapitan Tiago, at humingi ng pera kay Padre Salvi, ngunit ipinalayas siya.
Ayon kay Padre Salvi, gumagaling ang kundisyon ni Maria Clara dahil sa kanyang pag-amin ng mga sala, at inutusan din niya si Tia Isabel na ihanda si Maria Clara sa gabi na iyon para sa isa pang kumpesyon sa susunod na araw. Para sa kanyang eksaminasyon ng kanyang kunsiyensiya, binasa ni Tia Isabel ang bawat isa sa Sampung Utos ng Diyos (ngunit dumiretso siya sa mga utos na maaaring hindi sinunod ni Maria Clara), at lalong lumalala ang kundisyon ni Maria Clara.
No comments:
Post a Comment