![]() |
Alea jacta est |
Thursday, October 7, 2010
Synopsis: 42-45
Episode Five-Chapter 42
Episode 4- Ang prusisyon
May isang prusisyon na nagaganap sa San Diego. At sa prusisyon na ito, isa isang idinadaan ang mga santo sa kalsada. Dumaan ang iba't ibang santo, kasama na rito sa Mary Magdalene. Ang prusisyon na ito ay mukhang isang parade na may nagaganap na kantahan at isa isang dumadaan ang mga santo sa bahay ng mga taga San Diego. Sa parehong araw, hindi pinayagan ng alferez si Donya Consolacion mag simba. Gulong gulo ang kaisipan ni Donya Consolacion sa kung bakit hindi pumayag ang alferez na kanyang asawa na magsimba siya, dahil prusisyon pa naman noong araw na iyon. Dahil dito, napasama talaga ang mood ni Donya Consolacion.Biglang narinig ni Donya Consolacion ang tinig ni Sisa habang siya ay kumakanta. Ipinatawag ni Donya Consolacion si Sisa at inabuso niya ito ng pamalo dahil hindi ni Sisa maintindihan ang sinasabi ng donya. Sinasabi ng donya na sumayaw si Sisa ngunit, hindi niya siya maintindihan. Pagkatapos ng ilang sandali, naintindihan na ni Sisa ang kanyang gagawin, kahit punit punit at dugo dugo na ang kanyang damit. Ilang sandali pa, dumating na ang alferez at nakita ang kasuklaman na ginawa ng kanyang asawa kay Sisa. Inutusan ng alferez na alagaan si Sisa, at pagkatapos ay tinuring niya ang kanyang paningin kay Donya Consolacion. Nagalit ang alferez sa kanyang asawa at nagkaroon sila ng away sa dilim sa loob ng isang kwarto. Sa kabila noon,may nagaganap na dula dulaan sa isang entablado at napagusapan ni Tinyente Mayor at Pilosopong Tasio ang pag bibitaw ni Don filipo sa trabaho. Lahat ng tao ay pinapanood ng matindi ang dula dulaan, habang kita na hindi nanonood si Salvi dahil pinapanood niya ang nalulungkot na si Maria clara. Maya maya, dumating na si Ibarra ngunit maraming tao ang nagsialisan pag dating niya dahil napabalitaang hindi na siya parte ng simbahan kaya walang gusto lumapit sa kanya. Biglang nagkagulo, at walang magawa si Ibarra upang maayos ang sitwasyon. Nakita ni Ibarra si Elias at humingi siya ng tulong kay Elias para kausapin ang mga nagbabalak ng masama upang hindi na nila tuluyin. Sa likod ng lahat ng kaguluhan, nandun si Salvi at napanood ang lahat. Nung natapos na ang gulo, nakita niya na ligtas si Maria clara kaya bumalik na siya sa kumbento.